Ang Tsubibo – Simbolo ng Kababaang-Loob

 

AgfaPhoto

 

Kinuhanan ko itong mga Ferris Wheel na ito sa Star City habang nakapila kami para sa rides na sasakyan naming sa ilang saglit lang. (Pero inabot kami ng dalawang oras bago makasakay). Hindi ito yung unang pagkakataong kumuha ako ng litrato sa isang Ferris Wheel, yung unang beses noong pumunta ako ng MOA. Agaw pansin itong Ferris Wheel na ito nasa CCP complex pa lamang kami, eh tanaw na tanaw na ito.

Kagaya ng sinabi ko, ito na yung pangalawang pagkakataong kumuha ako ng mga litrato ng Ferris Wheel sa isang lugar. Lagi ‘kong naaalala noong unang sakay ko nito sa perya sa Marikina. Kasama ko yung isang kaklase ko, hindi kasing laki nito yung Ferris Wheel pero pinatulan na namin. Nahilo kaming dalawa na halos nakahiga na kami sa kinauupuan namin. Magewang-gewang pa ‘ko pagkatapos ng mga ilang ikot. Pinangako ko sa sarili na hindi na muling sasakay dito lalo na’t hiluhin ako, pero masaya naman dahil kasama ko yung mga kaibigan ko.

Ano ba sa tagalong ang FERRIS WHEEL? Pagkakarinig ko kasi sa isang estdyante na ang tawag niya dito ay TSUBIBO. Noong nasa papasok ako ng PUP, narinig ko sa isang grupo ng mga estudyante na nagyayayaan silang sumakay sa sinasabi nilang tsubibo habang tinuturo ang Ferris Wheel dahil doon, tawagin natin itong “tsubibo”.

AgfaPhotoAgfaPhoto

Kung sasakay ka ng tsubibo, tataas ka tapos bababa, tataas muli tapos bababa. Pagkatapos ng ilang minutong taas-baba na iyon, pwede ka nang bumaba sa kinasasakyan mo at magbigay ng pagkakataon sa ibang gusto ring sumubok nito. Habang nasa itaas ka, parang nakikita mo ang buong mundo at iyong mga naghihintay na makasakay dito, nakatingala sa sinasakyan mo, pag bumababa naman, tila nilalaglag nito ang puso mo dahil sa tarik ng pinanggalingan nito. Paulit-ulit nangyayari ito, parang buhay lang ng isang tao.

Minsan nasa itaas ka, yung tinitingala ka ng lahat  Halos sa’yo na ang mundo sa mga bagay na tinatamasa mo. Wala ka nang mahihiling pa sa mundo. Katulad ng pagsakay sa tsubibo, noong nasa itaas ka, di’ba ang saya? Kitang-kita ang buong mundo na parang pagmamay-ari mo na ito. Ngunit noong pababa ka na, parang nilalaglag nga nito ang puso mo, unting-unting mawawala ang mundong tinatanaw mo at unti-unti na ring bumababa. Katulad ng isang taong nasa rurok ng tagumpay, unting-unting nababawasan ang swerteng natamasa. Unting-unting bumabalik sa pinanggalingan.

AgfaPhoto

 

Hindi nangangahulugang masalimuot ang kahahantungan ng pagbaba sa isang tsubibo, ang buhay ay minsan nasa itaas o nasa ibaba. Kung anuman ang mayroon sa’yo na ngayon. Babawiin rin yan sa iyo balang araw sapagkat sa mundong ito, wala namang permanente. Pagkatapos ng pagikot mo sa tsubibo, maaaring nang bumaba at magbigay ng pagkakataon sa iba, tulad ng sa buhay ng isang tao, isang uri ng pagpapakumbaba ang pagbabahagi o pagbibigay ng pagkakataon sa ibang tao ang natamasang biyaya

.AgfaPhotoAng buhay ay parang amusement park sa sobrang dami ng rides. Lahat pwedeng subukan, nakakatakot pero napakasaya. Sa bawat pagsakay mo sa mga ito, madami kang pagdadaanang pagsubok. Maraming haharapin na pagkakataon. Hindi man ito pangmatagalan ngunit ipagpapasalamat mo ang pagsubok sa mga ito. Napili ko ang tsubibo dahil para sa’kin, ito ay simbolo ng pagkukumbaba. Maaaring matatakot kang sakyan kung titignan, masisiyahan sa pagtaas ngunit bababa pa rin at bababa.

AgfaPhoto AgfaPhotoAgfaPhoto

Makulay ang ilan sa mga tsubibo pagsapit ng gabi. Iba’t ibang ilaw ang makikita na paglalaruan nito ang iyong mga mata. Habang pinagmamasdan ko ito, nagbalik tanaw ako sa mga napagdaanan ko sa buhay. Parang kasi kulay nga ng natatanaw ko sa tsubibo kagabi, parang isang karton ng krayola, punong-puno ng kulay. Makabuluhan.

AgfaPhoto

 

Leave a comment